Saturday, May 31, 2014

Nonsense Blog Entries: Ang Matalik Kong Kaibigan, Ang OA at Walang Kuwentang Sanaysay

 

Bago ako humarap sa kompyuter at magsulat nang sapilitan para sa takda sa Filipino, nag-isip muna ako ng paksang dapat kong isulat. Nag-brainstorm muna ako sa sarili kong isipan. Sa kasawiang-palad, ang pag-iisip kong iyon ay nauwi rin sa wala, dahil, sa kadulu-duluhan ng aking pag-iisip ay wala rin akong naisip na magandang paksa. Oo, napakaraming mga posibleng paksa ang pumasok sa aking isipan, isa-isang nag-aanyaya sa akin upang lapatan ko ng aking malupit na panitik sa pagsulat. Pag-ibig? Ayoko munang pag-usapan ang bagay na iyan. Masyado pang kumplikado at masakit ang mga nangyari. Period muna ako. Tama na yung nasabi ko ang problema ko sa isa sa mga malalapit kong kaibigan. Imbensiyon? Gasgas na sa akin ang paksang ito. Kunsabagay, madami na rin akong nalalaman tungkol sa mga samu't saring mga kababalaghan sa likod ng pinagmulan ng mga bagay-bagay. Alam kong ang nakadiskubre ng sandwich ay si Earl of Sandwich. Si Steve Jobs na pumanaw na ay sapilitan lamang ang pagpapangalan ng kanyang kumpanya ng Apple Company dahil sa gahol na sa oras upang mag-isip ng matinong pangalan (paborito niya kasi ang mansanas). At ang French fries ay hindi literal na tumutukoy sa bansang pinagmulan ng pagkaing ito, kundi sa kung paano hiniwa ang patatas na ginamit dito. Literatura? Mga awtor ng libro? Paghihirap? Siyensiya? Ewan. Kaibigan?

Pagkatapos kong maalala ang salitang kaibigan habang patuloy na gumagana ang utak ko at kamay sa pagsulat nang sapilitan, naalala ko ang minsang sanaysay na ginawa ko rin nang sapilitan para sa aming sabjek na English noong nakaraang taon. Pangkatang gawain iyon na ako lang ang gumawa. Sa una ay nahihirapan kaming pumili ng matinong paksa, hanggang sa nabanggit ng isa sa mga kagrupo ko ang salitang kaibigan. Ayun, nagsisisigaw sa galak ang aking isipan, "Eureka!" At doon na nagsimulang gumana ang aking mga kamay upang isulat ang isang masterpiece (Ahem!) na nakatanggap ng markang 96% lang naman. Heto at pinilit kong i-translate ang mga salitang Ingles sa Filipino upang lubos na maunawaan ng kung sinumang makababasa ng sanaysay kong ito. Ang aking sinulat na sanaysay ay pinamagatang "Ang Matalik kong Kaibigan."


Nonsense Blog Entries: Ang Laughter Yoga, mga Chickas, at ang Dakilang Ako


Nonsense Blog Entries: Ang Laughter Yoga, mga Chickas, at ang Dakilang AkoHabang naglalakad ako sa isang overpass sa isang siyudad sa Cavite, pumasok na naman sa aking mapaglaro at pilyong isipan ang magandang babaeng nakita ko kaninang palabas sa isang branch ng Cebuana Lhuillier. Artistahin ang chicka, na tinernuhan ng kanyang maputing balat, mahabang buhok at maamong mukha. Dahil nahuli niya ang pihikan kong atensiyon, sinundan ko ng tingin kung saan pa siya patungo. Nakita kong pumunta siya sa kuta ng mga Muslim na karamihan ng tinitinda ay mga second-hand cellphones at mobile accessories. Nakatalikod siya sa aking point of view kaya naman malaya akong pagmasdan at halayin ang kanyang back view. Nang pababa na ako ng tingin ay nadismaya ako nang makita kong may hawak siyang maputing stick na umuusok sa isang dulo nito. "Sayang, chicka pa naman," ang nasabi ko na lang.

Habang naglalakad sa overpass, ramdam ko ang helling (hindi "healing") power ng mainit na samyo ng hangin. Madilim ang kalangitan at parang uulan subalit ang katawan ko ay wrecking sweat na. Inamoy-amoy ko ang aking underarms. OK pa, pwede pang pagtiisan ng kung sinumang lalapit at makikisamyo sa humahalimuyak na natural odor ng aking katawan. Pagkatapos kong maalala ang babaeng nakahuli ng aking mga mata kanina, bigla namang pumasok sa isipan ko ang laughter yoga seminar na naganap sa iskul kahapon lamang. Naalala ko yung time na gusto kong tumawa at i-apply kung anumang natutunan ko sa seminar pero hindi ko magawa dahil may mga kasama ako sa dorm. Baka kapag ginawa ko iyon ay tuluyan na nilang iisiping may sayad ako at paniguradong ang bagsak ko ay sa mental hospital.