Tuesday, August 5, 2014

Nonsense Blog Entries: Kung Ano Man ang Nangyayari Sa'yo, Sisihin mo ang Utak Mo

ULTRASOUND TECHNOLOGIST: Ikaw, anong plano mo pagkatapos mong maka-graduate?
AKO: Teka lang, Maam, iniisip ko pa kung ano ang mangyayari sa'kin.
ULTRASOUND TECHNOLOGIST: Talaga?
AKO: Oo naman, Maam. Sabi nga, "Thoughts become things". Alam niyo yung documentary film na The Secret?
ULTRASOUND TECHNOLOGIST: Hindi, ano yun?
AKO: (Sa isip-isip ko, "Bakit hindi niya alam?").

-----

Kapag may nangyari sa ating masama, palagi nating sinisisi ang kapalaran. Kapag sinuwerte tayo, palagi nating pinupuri ang kapalaran. Kapag na-brokenheart tayo, palagi nating sinasabi, "Lintik na buhay 'yan! Ilang beses na akong nagmahal, pero hanggang ngayon, brokenhearted pa rin!" Kapag nakakarinig ako ng mga ganitong komento, napapailing na lang ako. Normal na sa ating mga tao ang manisi ng kung sino o kung ano para mapagtakpan ang ating mga sarili. Self-preservation, ika nga. Pero, nasabi mo na ba minsan nung naaksidente ka, nung nagkasakit ka nang malubha, nung nagkadabaon-baon ka sa utang, nung nabigo ka sa pag-ibig, nasabi mo na ba ang mga katagang, "LINTIK NA UTAK 'YAN! KUNG ANO-ANO KASING INIISIP!"

Nonsense Blog Entries: Suplado Daw

Nasa Computed Tomography (CT) scan room ako at nag-aayos ng mga gamit. Katatapos lang na mag-perform ng head CT scan, at alas-4 na. May patient pa kami for whole abdomen CT scan waiting outside. Just then, tinawag ako ng tech namin. May ipapagawa daw, kailangan ko daw lumabas. So, as an intern, I went outside, only to find out na may ipapakilalang babae, yung nurse na kasama ng next patient namin. Sabi ng tech ko, tinatanong daw yung pangalan ko. He knows the woman, and as usual, caught in surprise, I blushed. That's my ultimate weakness (and asset as well) - blushing. Kapag kinabahan ako, halatado na just by looking at my face. Kapag I'm overly excited, or get angry, or nervous, or ashamed, you got it - just look at my cheeks and you may guess what I am feeling. 

As usual, hindi ako naniwala. Palagi namang ganun eh. Sasabihing may nagtatanong daw about sa'kin. Babae daw. And I will always ask, "'Di nga, Sir?" It all started when a girl patient who is an 8 in my rate, being 10 as the highest, looked at the name on the ID I am wearing. Nagre-release ako ng X-ray film ng pasyente, and the patient and the mother was infront of me, with a small, narrow cabinet in between me and the patient as well as the patient's mother. 

Nonsense Blog Entries: Sa Pagpikit ng Aking mga Mata

Nakatayo tayo at magkayakap, magkalapit ang ating mga katawan. Nararamdaman ko ang pintig ng iyong puso, ang iyong malalim na paghinga, ang init na nagmumula sa pagdidikit ng ating mga katawan. Habang tumutugtog ang isang awitin, dahan-dahan nating iginagalaw ang ating mga paa, sa saliw ng mabagal na tugtog.

Give me love like her,
'Cause lately I've been waking up alone,
Paint splattered teardrops on my shirt,
Told you I'd let them go,

And that I'll fight my corner,
Maybe tonight I'll call ya,
After my blood turns into alcohol,
No, I just wanna hold ya.

Give a little time to me or burn this out,
We'll play hide and seek to turn this around,
All I want is the taste that your lips allow,
My, my, my, my, oh give me love,
My, my, my, my, oh give me love,
My, my, my, my, oh give me love,
My, my, my, my, give me love,

Nonsense Blog Entries: Talking to Oneself

To: scientist
From: scientist

****
SILENCE. RETROSPECTION. 

Life is so fucked up. You're waiting for that somebody who'll zing with you though marami naman diyan sa paligid ang nagpaparamdam, waiting for your attention, umaasa na sana magkaroon sila ng puwang sa iyong puso. 

You're just another normal human being who fell inlove and failed, to realize it was your own doing. Nagpakatali ka sa iyong past life na nagiging dahilan para pigilan mo ang sarili mong magmahal - dahil natatakot kang masaktan, dahil ayaw mo ng commitment, dahil hindi ka pa handa. Ang nakakatawa, even if you're used in doing things alone, you still feel incomplete. Kapag nakakakita ka ng mga lovers with their evidence of love, naiinggit ka. 

Friday, July 18, 2014

Nonsense Blog Entries: 'Di Na Natuto

AKO: Ayoko na!
MR. C: Hoyyy! Self-destructive na naman ang drama mo! Can you not get over with it?

AKO: Napapagod na ako. And why, for heaven's sake, will I be attracted to her?
MR. C: Sino? Yung nakasalubong mo kanina? Akala ko ba si Fil-Japanese ang gusto mo?

AKO: Eh...ewan ko...
MR. C: What's wrong with liking her anyway? 
AKO: Tama na...Hay...Ayoko nang maulit yung nangyari dati. Saka pagod na ako. Naka-quota na ako sa mga babaeng natulungan ko at napasaya ko sa mga panahong kailangan nila ng taong magpapasaya sa kanila.
MR. C: You remember your past love with her, tama ba? Kaya naiinis ka sa sarili mo kasi kahit na anong pigil mong hindi mapalapit sa kanya, there's an invisible bond and an unceasing urge to get to know her. Admit it or not, when you see those pair of eyes, what you only wanted to do is to stare it and make your message known through your eyes. You wanted her to see that she's not alone, that life is meant to be enjoyed, that life is not broken. YOU'RE STILL YOU. Still the same man that I've known before, and yet MORE AFRAID. 
AKO: You cannot give what you do not have, right? I'm broken, or think I am, and when you're broken, why help others heal their broken heart?
MR. C: You know the answer right? Lonely people know the feeling of being hurt, that's why they're more compassionate that the rest of the world. That's the optimistic view of being lonely, or at one point, suffered the devastating effect of loneliness.

Sunday, July 13, 2014

Nonsense Blog Entries: Ang Pag-uusap

AKO: Bakit nga ba?
MR. C: Bakit nga ba?AKO: Huh? Sino ka?
MR. C: Sino nga ba ako?AKO: Tinatanong nang maayos eh, pilosopo sumagot. Naligaw ka ata eh. Ikaw ba si Pilosopo Tasyo? Pasensiya na pero hindi ako si Ibarra.
MR. C: Wahahaha. Hindi ako si Pilosopo Tasyo kasi mas pilosopo ako dun. Saka lalong hindi ikaw si Ibarra kasi kilala kita.AKO: Kilala mo ako? Paano?
MR. C: Sabihin na lang natin na malapit akong kaibigan sa iyo. Nyahaha. Hindi mo nga lang nakikita.
AKO: Huh? Ano ka, multo? Saka sino ka nga ba?
MR. C: Call me Mr. C as in Mr. Consciousness. Oh, gets mo na kung bakit kilala kita? Nyahaha.
AKO: As in konsiyensiya? Bakit mo ako kinakausap?
MR. C: Malamang kasi nag-iisip ka. Nyahaha. Saan mo nilagay yung common sense mo?AKO: Sa talampakan siguro. Teka lang ha? Kukunin ko lang.
MR. C: BWAHAHAHAHA! Isip-isip din kapag may time! Teka, balik tayo sa iniisip mo kanina.
AKO: Huh? Ano yun?

Saturday, May 31, 2014

Nonsense Blog Entries: Ang Matalik Kong Kaibigan, Ang OA at Walang Kuwentang Sanaysay

 

Bago ako humarap sa kompyuter at magsulat nang sapilitan para sa takda sa Filipino, nag-isip muna ako ng paksang dapat kong isulat. Nag-brainstorm muna ako sa sarili kong isipan. Sa kasawiang-palad, ang pag-iisip kong iyon ay nauwi rin sa wala, dahil, sa kadulu-duluhan ng aking pag-iisip ay wala rin akong naisip na magandang paksa. Oo, napakaraming mga posibleng paksa ang pumasok sa aking isipan, isa-isang nag-aanyaya sa akin upang lapatan ko ng aking malupit na panitik sa pagsulat. Pag-ibig? Ayoko munang pag-usapan ang bagay na iyan. Masyado pang kumplikado at masakit ang mga nangyari. Period muna ako. Tama na yung nasabi ko ang problema ko sa isa sa mga malalapit kong kaibigan. Imbensiyon? Gasgas na sa akin ang paksang ito. Kunsabagay, madami na rin akong nalalaman tungkol sa mga samu't saring mga kababalaghan sa likod ng pinagmulan ng mga bagay-bagay. Alam kong ang nakadiskubre ng sandwich ay si Earl of Sandwich. Si Steve Jobs na pumanaw na ay sapilitan lamang ang pagpapangalan ng kanyang kumpanya ng Apple Company dahil sa gahol na sa oras upang mag-isip ng matinong pangalan (paborito niya kasi ang mansanas). At ang French fries ay hindi literal na tumutukoy sa bansang pinagmulan ng pagkaing ito, kundi sa kung paano hiniwa ang patatas na ginamit dito. Literatura? Mga awtor ng libro? Paghihirap? Siyensiya? Ewan. Kaibigan?

Pagkatapos kong maalala ang salitang kaibigan habang patuloy na gumagana ang utak ko at kamay sa pagsulat nang sapilitan, naalala ko ang minsang sanaysay na ginawa ko rin nang sapilitan para sa aming sabjek na English noong nakaraang taon. Pangkatang gawain iyon na ako lang ang gumawa. Sa una ay nahihirapan kaming pumili ng matinong paksa, hanggang sa nabanggit ng isa sa mga kagrupo ko ang salitang kaibigan. Ayun, nagsisisigaw sa galak ang aking isipan, "Eureka!" At doon na nagsimulang gumana ang aking mga kamay upang isulat ang isang masterpiece (Ahem!) na nakatanggap ng markang 96% lang naman. Heto at pinilit kong i-translate ang mga salitang Ingles sa Filipino upang lubos na maunawaan ng kung sinumang makababasa ng sanaysay kong ito. Ang aking sinulat na sanaysay ay pinamagatang "Ang Matalik kong Kaibigan."


Nonsense Blog Entries: Ang Laughter Yoga, mga Chickas, at ang Dakilang Ako


Nonsense Blog Entries: Ang Laughter Yoga, mga Chickas, at ang Dakilang AkoHabang naglalakad ako sa isang overpass sa isang siyudad sa Cavite, pumasok na naman sa aking mapaglaro at pilyong isipan ang magandang babaeng nakita ko kaninang palabas sa isang branch ng Cebuana Lhuillier. Artistahin ang chicka, na tinernuhan ng kanyang maputing balat, mahabang buhok at maamong mukha. Dahil nahuli niya ang pihikan kong atensiyon, sinundan ko ng tingin kung saan pa siya patungo. Nakita kong pumunta siya sa kuta ng mga Muslim na karamihan ng tinitinda ay mga second-hand cellphones at mobile accessories. Nakatalikod siya sa aking point of view kaya naman malaya akong pagmasdan at halayin ang kanyang back view. Nang pababa na ako ng tingin ay nadismaya ako nang makita kong may hawak siyang maputing stick na umuusok sa isang dulo nito. "Sayang, chicka pa naman," ang nasabi ko na lang.

Habang naglalakad sa overpass, ramdam ko ang helling (hindi "healing") power ng mainit na samyo ng hangin. Madilim ang kalangitan at parang uulan subalit ang katawan ko ay wrecking sweat na. Inamoy-amoy ko ang aking underarms. OK pa, pwede pang pagtiisan ng kung sinumang lalapit at makikisamyo sa humahalimuyak na natural odor ng aking katawan. Pagkatapos kong maalala ang babaeng nakahuli ng aking mga mata kanina, bigla namang pumasok sa isipan ko ang laughter yoga seminar na naganap sa iskul kahapon lamang. Naalala ko yung time na gusto kong tumawa at i-apply kung anumang natutunan ko sa seminar pero hindi ko magawa dahil may mga kasama ako sa dorm. Baka kapag ginawa ko iyon ay tuluyan na nilang iisiping may sayad ako at paniguradong ang bagsak ko ay sa mental hospital.