Habang naglalakad sa overpass, ramdam ko ang helling (hindi "healing") power ng mainit na samyo ng hangin. Madilim ang kalangitan at parang uulan subalit ang katawan ko ay wrecking sweat na. Inamoy-amoy ko ang aking underarms. OK pa, pwede pang pagtiisan ng kung sinumang lalapit at makikisamyo sa humahalimuyak na natural odor ng aking katawan. Pagkatapos kong maalala ang babaeng nakahuli ng aking mga mata kanina, bigla namang pumasok sa isipan ko ang laughter yoga seminar na naganap sa iskul kahapon lamang. Naalala ko yung time na gusto kong tumawa at i-apply kung anumang natutunan ko sa seminar pero hindi ko magawa dahil may mga kasama ako sa dorm. Baka kapag ginawa ko iyon ay tuluyan na nilang iisiping may sayad ako at paniguradong ang bagsak ko ay sa mental hospital.
Trivia lang, ang laughter yoga ay pinasimulan sa India in the early 90's ni Dr. Madan Kataria na nagtatrabaho sa isang ospital sa Mumbai at nagsusulat din ng mga medical journals. Sa kanyang pagiging ma-usyoso sa mga pangyayari sa buhay, nagkaroon siya ng interes sa dumaraming mga scientific studies tungkol sa naitutulong ng pagtawa sa pisikal at mental na kalusugan ng tao. Nakakatulong din daw ang laughter yoga upang tumaas ang libido at maging makamandag sa deathbed este sa bed pala, ayon na rin sa isang hindi reliable source. Sinabi ni Dr. Kataria na ang pagtawa ay nakakatulong upang mabawasan ang stress at depression na nararanasan ng isang tao. Dahil dito, nagsagawa siya ng mga eksperimento na nagpapatunay sa kanyang sinabi.
Noong March 1995, habang isinusulat niya ang isang artikulong pinamagatang, "Laughter - The Best Medicine" para sa isang health journal, bumilib siya sa sinulat na libro ni Norman Cousins na may pamagat na, "Anatomy of an Illness", pati na rin sa research work ni Dr. Lee Bark. Si Cousins at Bark ay ilan lamang sa mga lolo ko, considering the fact na descendants tayo ni Adam and Eve.
Sa kanyang pag-aaral, kasama ang mga miyembro ng kanyang laughter yoga group bilang mga subjects sa study, napag-alaman niyang hindi nadi-distinguish ng katawan ng tao ang totoong pagtawa sa pekeng pagtawa, dahil na rin sa ang mga mata ng tao ay nasa bandang itaas ng bibig nito, thanks to the inventors of mirror at sa aking mga lolo at lolang nanirahan sa Turkey noong unang panahon. Dito na nag-evolve ang tinatawag na laughter yoga ni Dr. Kataria.
Hindi rin naman papahuli ang Pinoy. Sa Pilipinas, isang Pinoy na nagngangalang Paolo Trinidad ang sumailalim sa pagtuturo ni Dr. Kataria sa field ng laughter yoga. Siya ang kauna-unahan at nag-iisang Laughter Yoga Professor sa Pilipinas certified by Laughter Yoga International. Nagsimula ang laughter yoga sa Pilipinas taong dalawampu't sampu, sa ika-labindalawa ng Hunyo. Tinawag itong "Pinoy Laughter Yoga" - isang yoga version na swak sa mga sadyang mabubungisngis at masayahing mga Pilipino. Ang adbokasiya ni Paolo Trinidad ang nag-udyok sa kanya upang magsagawa ng laughter yoga sa mga bata, mga hearing-impaired, bipolar, mga taong may autism, ADHD, cancer patients undergoing therapy, schizophrenic, mga empleyado ng gobyerno, at mga biktima ng mga bagyo, lindol, at digmaan sa Bohol, Tacloban, Zamboanga at iba pang lugar. Ang nakakalungkot lamang, ayon sa kanya, ay ang kawalan ng suporta ng kasalukuyang pangulo sa kanyang adbokasiyang ipalaganap ang laughter yoga sa Pilipinas.
Sa aming session kay Mr. Paolo, nagkaroon kaagad ako ng instant fans. Yung tipong kada tawa mo eh tititigan ka at tatawa hindi dahil sa exercises kundi dahil sa mukha mo. Nagduda tuloy ako sa mukha ko at napaisip bigla, "Mukha ba akong payaso?" Kaso, pagtitig ko naman sa salamin, isang maamo at (ahem) guwapong mukha ang nakita ko.
Papasok na ako ng dormitory nang makita ko ulit ang isa sa mga chickas na pumukaw sa aking pihikang mga mata - isang medicine student na kamukha ni Kris Bernal. Whew! What a way to finish the day. ;)
No comments:
Post a Comment