ULTRASOUND TECHNOLOGIST: Ikaw, anong plano mo pagkatapos mong maka-graduate?
AKO: Teka lang, Maam, iniisip ko pa kung ano ang mangyayari sa'kin.
ULTRASOUND TECHNOLOGIST: Talaga?
AKO: Oo naman, Maam. Sabi nga, "Thoughts become things". Alam niyo yung documentary film na The Secret?
ULTRASOUND TECHNOLOGIST: Hindi, ano yun?
AKO: (Sa isip-isip ko, "Bakit hindi niya alam?").
-----
Kapag may nangyari sa ating masama, palagi nating sinisisi ang kapalaran. Kapag sinuwerte tayo, palagi nating pinupuri ang kapalaran. Kapag na-brokenheart tayo, palagi nating sinasabi, "Lintik na buhay 'yan! Ilang beses na akong nagmahal, pero hanggang ngayon, brokenhearted pa rin!" Kapag nakakarinig ako ng mga ganitong komento, napapailing na lang ako. Normal na sa ating mga tao ang manisi ng kung sino o kung ano para mapagtakpan ang ating mga sarili. Self-preservation, ika nga. Pero, nasabi mo na ba minsan nung naaksidente ka, nung nagkasakit ka nang malubha, nung nagkadabaon-baon ka sa utang, nung nabigo ka sa pag-ibig, nasabi mo na ba ang mga katagang, "LINTIK NA UTAK 'YAN! KUNG ANO-ANO KASING INIISIP!"
Siguro nabasa na ninyo sa mga artikulo sa internet, sa blag o websayt ang mga katagang, "Be careful of what you dream, it might come true." At siguro, iilan sa inyo ang nakapanood ng The Secret, isang documentary film na tumatalakay sa pinakamakapangyarihang parte ng katawan ng tao - ang UTAK. At ang tema ng pelikula? Ang lahat ng bagay na iniisip mo ay nagkakatotoo. Sa wikang Ingles, "Thoughts become things."
Ilang taon na ang nakakaraan, may nabasa ako sa isang magasin na nagkakalat sa bahay namin, tungkol sa kung paano madebelop ang tinatawag na "sex appeal." 'Dun ko nabasa na ang "sex appeal" ay nagsisimula sa kung paano ka mag-isip. Sa araw ding iyon, nabuo sa aking isipan ang isang pangungusap na patuloy kong iniisip mula noon hanggang ngayon - "I have an oozing sex appeal." Aminado ako na lahat kaming magkakapatid na lalaki ay may mga itsura at lapitin ng babae, pero alam ko rin ang lamang ko sa kanila - kung paano ako mag-isip.
Marami sa atin ang hindi pa alam na ang utak ng tao ay napakamakapangyarihan - isang misteryo na kahit siyensiya ay patuloy pa ring naghahanap ng kasagutan sa kung anong meron sa utak ng tao. Sa makabagong panahon ding ito umusbong ang tinatawag na "science of the brain' - isang sangay ng siyensiya na naglalayong palawigin ang kaalaman ng tao sa utak at sa mga maaari pang magawa upang magamit natin ang ating utak sa pinakamataas na lebel, sabi nga "to its utmost potential."
Lahat ng nangyari sa iyo noon ay dahil sa inisip mo noon, at lahat ng nangyayari sa iyo ngayon at sa hinaharap ang siyang nangyayari at mangyayari sa buhay mo. 'Ika nga, ikaw ang nag-a-attract sa mga pangyayari, tao o bagay na nararanasan mo - depende sa iyong pag-iisip. Nagtataka kung bakit hindi ka nagiging masaya sa iyong buhay-pag-ibig? Na kahit nakailang nobyo o nobya ka na, hindi mo pa rin natatagpuan ang taong magpapasaya sa iyo habangbuhay? Isipin mo kung ano ang iniisip mo noon at ngayon tungkol sa pakikipagrelasyon, at sasabihin ko sa iyo, na kahit na gusto mong maging masaya sa isang relasyon, mas iniisip mo na hindi ka magiging masaya, na iiwanan ka ulit, na kahit na gusto mong maging masaya eh alam mong hindi ka pa rin magiging masaya. Magulo, 'di ba? Naglalaban ang positibo at negatibong isipan sa ating utak, at siyempre ang wagi ang siyang magdidikta ng iyong buhay.
At ako? Heto, may "oozing sex appeal" pa rin.
Kaya, kung gusto mong maging "master" ng buhay mo, kontrolin mo ang utak mo.
Marami pa sana akong idadagdag, mga pruweba para patunayan ang aking sinasabi, mula na rin sa mga pangyayari sa buhay ng iba at sa buhay ko na rin, pero tinatamad na akong magtipa ng mga letra ng aking kompyuter. Kaya, sa susunod na lang, kapag sinipag ako.
O kung hindi naman, punta ka ng YouTube, panoorin mo yung documentary film na The Secret. Tapos kapag napanood mo na, 'wag mo akong kalimutan, ha? Mag-iwan ka sa baba ng komentong: "Salamat at nabasa ko ang walang kuwentang sanaysay na sinulat mo." :P
O kaya gawa ka ng fans club ko, tawagin mong, "The Brainiacs." LOL.
©scientist128
www.nonsenseblogentries.blogspot.com
No comments:
Post a Comment